Sunday, July 18, 2004

current music: poetry read aloud.
I never really befriended Sir Kael. I knew I talked to him once, in the Heights GA back in my freshman year. So I'm no friend of the great, one and only "rakstar". Nevertheless... here's something.
 
Baka Sakali
ni Mikael Co
 
Sapagkat walang sapilitang paglimot,
isinusulat ko ito.
Sapagkat nagbabakasakali akong
maaaring isilid sa salita ang gunita,
isinusulat ko ito.
Naririnig mo ba ako?
Ibinubulong ko ang pagnanasang
mapasaiyong muli.
Nanghihingi ako ng dahilang
mapasaiyong muli.
Sapagkat iniibig kita,
oo, iniibig pa rin kita:
sapagkat kaagaw ko sa kumot
ang multo ng iyong alaala,
 
sapagkat ikaw ang ginaw na tumatatak sa aking balat,
sapagkat simoy kang dumadaloy
sa bawat iskinita ng lungsod na ito; sapagkat ikaw
ang anyong humuhubog sa bawat larawan,
ang larawang nagbibigay-hanggan sa kalawakan,
kalawakang dumaragan sa kumikipot
at kumikipot kong piraso ng daigidig,
 
sapagkat iniibig kita,
oo, iniibig pa rin kita,isinusulat ko ito.
Sapagkat nagbabakasakali akong
maaaring isilid sa salita ang gunita,
ang salita sa papel, at saka sunugin,
sunugin, sapagkat nagbabakasakali akong
maaaring tangayin ng hangin ang gunita,
sapagkat nagbabakasakali akong
may isang estrangherong
makalalanghap ng gusgusin kong gunita,
 
at hahanapin ka niya,
sintang hanggan ng kalawakan,
sintang multo ng alaala,
sintang estranghera sa gunita
ng estranghero ng gunita,
sapagkat nagbabakasakali akong
makikita ka niya, at iibigin ka niya,
at iibigin mo siya--
sapagkat iniibig kita,
 
oo, iniibig pa rin kita,
nagbabakasakali akong
sa kanya, sana, sa kanya, sinta,
lumigaya ka.
 
---------------------
 
Tangina. nakaka-iyak nga. Why did I post this? Well... let's just say I'm tried to look to the past to get perspective with the present... and there's stuff I've not quite mentioned to people, or haven't brought up in a long time. So let's just call this a lapse.
 
To she-of-whom-I-never-speak-of-anymore-but-am-grateful-for-much ... I miss you. Para sa iyo itong boses kong nilulukot ng mga maliit at marahas na manggas ng luha.
 
 

No comments: