current music: Ghost - Indigo Girls
Oo na, oo na. Alam ko na hindi naman ako nagpo-post dito. At oo, mayroon ding duda kung nagsusulat ako.
Kung ako'y ikaw, huwag na kayong mangangamba kung gumagaling ako sa aking sining o hindi. Ako lamang amg may tanging responsibilidad sa aking sarili. Huwag na akong mangangamba.
Sa ngayon, kakatapos lang namin ni Irene sa aming proyekto sa Directing I. Langya, naka-A ako!
At para makamit ko ang markang iyon, kinailangan kong sumuko ng oras para ipagbuti ang ginagawa naming dalawa. Hay 'naku.
----
Sa ngayon din, susubukan kong palitan ang sapin nitong blog na 'to. Sayang naman, at sa kay tagal kong hindi lumilikha ng mga bagay dito, hindi ko namalayang marami rin palang naglagay ng pangalan ko sa kanilang sariling blog. Kay sayang naman sa kanila kung hindi ko ito gagamitin.
So ayun. Ang puti kong kama'y wari kailangan nang palitan ang mga sapin, at mga pambalot sa mga unan.
Ngunit, hindi pa ako tapos sa aking pag-lilinis sa kwarto, kaya ang kama kong ito'y maghihintay muna.
No comments:
Post a Comment