Thursday, October 27, 2011

current music: If You Ever Come Back - The Script

I wrote this for a friend and fellow Dayzer. It was her goodbye present on her way to Dubai. Never was good at Filipino, but if she wasn't going to hear it in a long while, I had to try, if just for her.



Pabaon Kay Denise

Patawad Denise, patawad. Kilala mo na ako't
hindi mo sana ako ipagkait ng iyong pasensiya,
lalo na't maaring hindi maayos ang daloy ng aking pagsulat
sa isang wikang maaring hindi na umaabot sa iyong mga tenga.

Ngunit isinusulat ko ito para sa iyo.
Dahil darating din, darating din,
darating din ang araw na ika'y iiyak.
Iiyak ka, at iiyak uulit dahil damang-dama mo
kung gaano kalawak at gaanong tindi ang nawala sa iyo
ngayong naglisan ka sa mga islang nagduyan sa iyo
bilang musmos sa sansinukob habang
nag-iikot ka sa ating asul na planeta.
Ngayon, nasa ibang lugar ka,
kung saan ang dagat ay gawa sa buhangin lamang,
at ang mga bagyo ay hindi mula
sa amihan o habagat kung hindi alikabok at alat.

Sa katahimikan ng disiyerto, maiisip mo
na sana marinig mo ulit ang tunong ng Tagalog,
at kahit ang pinakamasarap na pagkain doon -
Falafel, Hareis, Mehalabiya, Shawarma -
ay hindi pa rin tunay na kapalit
sa adobo, liempo, sinigang o tinola.
Mawawala ang mga gig ng Stonefree, at Parokya;
mag-iiba na din ang One More Chance
dahil nasa Dubai ka, at si John Lloyd naman, sa Maynila.

Sana sa mga sandaling ito,
kung minsan nananabik ka, at nababagot na
sa layo mo mula sa iyong iniwang mundo,
matanaw mo lang ang buhangin ng disiyerto.
Pagmasdan kung paano dinadampot ng hangin
ang mga butil ng buhangin, at dinadala kung saan-saan.

Ganoon din ang ating buhay - natatangay at nadadala
at susuot sa pinanggagalingan ng luha,
kung saan naipapamalas ang alaala.
Sa mga gabing iyon, maghanap ka ng salamin,
tumayo ka sa dilim at ilalim ng bituin.
Ipunin sa kamay ang buhangin na tulad ng nasa baybayin ng Pilipinas,
ituyo ang iyong mata at makikita mo
nariyan kami, nariyan,
nariyan lang sa iyong tabi,

sabay narito pa,
at naghihintay sa iyong matamis na pag-uwi.

No comments: